WATCH: Tindero ng lobo, sugatan sa kalokohan ng ilang kabataan

Viral ang video ng isang tindero ng lobo na nasunog dahil lamang sa pagti-trip ng ilang mga kabataan, Makikita sa video kung paano sinindihan ng mag-babarkadang lalaki ang mga panindang lobo at mabilis na kumalat ang apoy dahilan malapnos ang balat ng isang vendor, habang ito ay nakatago at nagpapahinga sa kanyang mga panindaIyon pala, nakatago sa mga lobo ang vendor na noo’y nagpapahinga lamang. Nagtamo ng second-degree burn ang kanyang braso at ang kanyang katawan sa kadahilanan nakatali sa kanyang braso ang mga paninda niyang lobo. Maraming netizens ang naglabas ng kanilang saloobin sa sinapit ng walang kalaban-laban at kaawa-awang tindero ng lobo.