Iniulat ng Department of Health noong Martes ang 28,471 bagong impeksyon sa COVID-19, kaya umabot na sa 3,270,758 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.
Ayon sa DOH, 27,735 o 97% ng mga naiulat na kaso ngayon ay nangyari sa loob ng nakalipas na 14 na araw mula Enero 5 hanggang Enero 18. Ang mga nangungunang rehiyon na may kaso nitong nakaraang dalawang linggo ay ang Metro Manila (9,887 o 36%), Rehiyon 4- A (6,671 o 24%) at Rehiyon 3 (2,970 o 11%).
Ang mga aktibong kaso ay tumaas sa 284,458, kung saan 8,930 ay asymptomatic; 270,784 ay banayad; 1,484 ang malala, at 303 ang nasa kritikal na kondisyon.
Ang kabuuang recoveries ay tumaas din sa 2,933,338 matapos ang 34,892 pang mga pasyente ang gumaling sa viral disease.
May 34 na bagong nasawa at umakyat na sa 52,962/
Sa 34 na pagkamatay, 33 ang naganap ngayong buwan, at isa noong Hulyo 2020. Ito ay dahil sa late encoding ng death information sa system nito.
Samantala, nasa 43.4% naman ang positivity rate ng bansa. Ang kabuuang isinagawang pagsusuri sa COVID-19 ay 51,738.
Binanggit ng DOH na 87 duplicate ang tinanggal mula sa kabuuang bilang ng kaso, habang apat na kaso na dating na-tag bilang mga recoveries ang na-reclassify bilang mga namatay pagkatapos ng final validation.
Sinabi ng DOH na ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Enero 16, habang limang lab ang hindi nakapagsumite ng kanilang data.
Ang pinakahuling datos mula sa DOH ay nagpakita rin na 49% ng intensive care unit beds ng bansa ay ginagamit, habang 22% ng mga mechanical ventilator ay ginagamit din.
Sa Metro Manila, 53% ng mga kama ng ICU ay ginagamit, habang 29% ng mga bentilador ay ginagamit.