Tumatakbo ngayon sa ika-4 na araw ng 380 Miles/613K Endurance Challenge ang 4 na lamang na natitira sa 7 nagsimulang tumakbo mula sa Manila papuntang Sorsogon.
Mahigit 300 kilometro na ang natakbo ng mga atleta sa loob lamang ng 58 hours, araw at gabi, umulan man o umaraw na ultramarathon.
Isa sa kanila si Rolando Espina, isang Filipino ICU nurse na nakabase sa Ireland at kinikilalang icon
Sa nasabing sports na bumalik sa bansa para basagin ang kanyang dating record.
Isa si Espina sa 3 Pinoy na natapos ang distansyang 500 kilometro mula Ilocos Norte
papuntang Quezon City taong 2015.
Isa rin siya sa mga Pinoy na nakatapos sa Spartathlon sa Greece.
Kasama ni Espina si Virgilio Undaloc Jr. na kasalukuyang nasa bayan na ng Pamplona.
Kabilang naman sa 3 hindi kinaya ang challenge sina Don Hannon na isang Irish na 151 kilometro ang natakbo,si Raymond Nable na 165 kilometro ang natakbo at Melvin Chacon na 295 kilometro ang natakbo.
Target ng 4 na makuha sa 7 araw na pagtakbo ang 613 kilometrong distansya na magtatapos sa probinsya ng Sorsogon.