Tinatayang nasa 8,024 katao sa Isabela ang isinailalim sa Persons Under Monitoring (PUM) dahil sa posibleng tinamaan ng COVD-19.
Ipinapabatid ito ni Dr. Nelson Paguirigan ng Isabela Health Office sa pagpupulong ng Inter Agency Task Force on COVID-19 sa Ilagan City kamakalawa.
Ayon kay Paguirigan, karamihan sa mga PUM ay mga residente na umuwi sa lalawigan mula Metro Manila na nakaranas ng malaking bilang ng nag-positibo sa virus.
Sinabi ni Paguirigan na masusing sinusubaybayan ng mga opisyal at Barangay Emergency Response Team ang mga PUM sakaling makitaan ang mga ito ng sintomas ng pagdapo ng COVID-19.
Sa kasalukuyan ay may 41 na kataong tinagurian Persons Under Inverstigation (PUI) mula sa Isabela na dinala sa obserbasyon at pagsusuri sa COVID-19 infection sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City at Cagayan Valley Medical Center sa lunsod na ito dagdag ni Paguirigan.
Ang mga PUI ani Paguirigan ay yaong nagpapakita ng malubhang sintomas ng trangkaso at galing o may kaugnayan sa mga nanggaling sa ibang bansang malawak na kumalat ang COVID-19 – Raymund Catindig
la