SOURCE; 92.9 Brigada News Cauayan City
Pasok sa official top 40 candidates ng Miss Universe Philippines 2023 ang gurong si Kimberlyn Jane Acob mula sa Cabatuan, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, si Teacher Acob ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Tourism Management sa Saint Mary’s University na mayroong Academic Distinction Award.
Bukod dito ay kabilang pa ito sa mga pumasa noong Disyembre sa Licensed Examination for Teachers 2022.
Tinanghal din si Acob bilang Miss Queen Isabela Culture and Arts noong 2019, Miss Campus Personality 2018, Philippine Tourism Millennial Ambasadress 2018 at iba pa.
Nakuha ni Acob ang pwesto matapos makapasa sa panel experts sa isinagawang Preliminary at Final Screening na ginanap sa Pasig City.