MANILA, Philippines – Nagtapos bilang 3rd runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Nicole Borromeo sa ginanap na Miss International 2023 coronation night sa Tokyo, Japan noong Huwebes, Oktubre 25.
Si Andrea Rubio ng Venezuela ang kinoronahang panalo. Tinalo niya ang 69 na kandidato upang humalili kay Jasmin Selberg ng Germany.
1st runner-up: Sofia Osio Luna (Colombia)
2nd runner-up: Camila Diaz Daneri (Peru)
3rd runner-up: Nicole Borromeo (Philippines)
4th runner-up: Vanessa Hayes Schutt (Bolivia)
Si Borromeo ay kinoronahan bilang Binibining Pilipinas International noong Agosto 2022, ngunit nakasali lamang sa 2023 edition ng Miss International.