Ahtisa Manalo, Bumida sa Miss Cosmo Kahit napilay ang kanyang Paa

vivapinas02102024

vivapinas02102024Sa kabila ng ankle injury na natamo kamakailan, buong kumpiyansang rumampa si Miss Cosmo Philippines Ahtisa Manalo sa Preliminary Competition ng Miss Cosmo 2024, na ginanap sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Tila walang bakas ng pilay nang rumampa si Manalo suot ang isang eleganteng gown, na agad nakakuha ng atensyon mula sa mga hurado at manonood. Ang bawat hakbang ay nagpapakita ng kakaibang klase at husay, na nagpabilib sa lahat. Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang paghakot ng papuri—nang isalang siya sa swimsuit competition, ipinakita ni Manalo ang kanyang pamatay na tangga, na siyang lalo pang nagpatingkad sa kanyang confidence at kariktan.

Bawat hakbang sa kanyang tangga ay puno ng kumpiyansa, na tila wala siyang injury, at ipinamalas niya ang tunay na anyo ng isang Pilipinang palaban. Ang sigaw ng mga tagahanga ay ramdam sa buong venue, ipinapakita ang kanilang suporta para sa pambato ng Pilipinas.

Sa darating na finals ngayong October 5, pursigido si Manalo na ibigay ang lahat upang masungkit ang kauna-unahang Miss Cosmo International crown para sa bansa.

“Walang makakapigil, ibibigay ko ang lahat para sa Pilipinas,” wika ni Manalo, na puno ng determinasyon sa kanyang laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *