Ayon sa NDRRMC, 2.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Kristine at Leon

vivapinas03112024

vivapinas03112024Iniulat ng NDRRMC na nasa 227,133 katao o 56,396 pamilya ang kasalukuyang nasa 1,467 evacuation centers, habang 521,858 katao o 108,941 pamilya naman ang tumutuloy sa labas ng mga evacuation centers upang maghanap ng mas ligtas na masisilungan.

Sa bilang ng mga nasawi, naitala ang 146 na katao habang 126 sa mga ito ay kasalukuyang sinusuri. Samantala, may 130 ang sugatan at 20 katao pa ang naiulat na nawawala.

Sa aspeto ng imprastruktura, naapektuhan ang kabuuang 858 kalsada at 110 tulay. Ayon sa huling ulat, 703 sa mga kalsadang ito at 92 tulay ang naipaayos na at muli nang nadaraanan. Sa 367 lungsod at bayan na nawalan ng kuryente, 323 ang may supply na muli. Sa 50 lugar na nawalan ng tubig, 43 na ang may balik na serbisyo.

Tatlong paliparan ang naapektuhan ngunit operational na muli ang mga ito. Sa 96 na pantalan na naapektuhan, 75 ang bumalik na rin sa operasyon. Sa kasalukuyan, may 2,141 pasahero at 502 rolling cargoes ang stranded.

Kabuuang 189,340 na mga bahay ang napinsala, at umabot sa P3.48 milyon ang halaga ng pinsala sa mga tahanan. Ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura ay nasa P4.53 bilyon, kung saan naapektuhan ang 106,715 na mga magsasaka at mangingisda. Umabot naman sa P7.21 bilyon ang kabuuang pinsala sa imprastruktura na apektado ang 946 na estruktura.

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Nobyembre 4, 2024, bilang Araw ng Pambansang Pagluluksa bilang pakikiramay sa mga biktima ng Bagyong Kristine at sa kanilang mga naulilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *