Natuklasan ng mga siyentipiko ang mga mikroorganismong nagdudulot ng amnesia mula sa shellfish sa Luzon

Vivapinas07112024shellfish

Vivapinas07112024shellfishKamakailan lamang kinumpirma ng mga Pilipinong siyentipiko ang presensya ng mga mikroorganismong nagdudulot ng amnesia sa mga shellfish farm sa Luzon.

Ayon sa pag-aaral mula sa Ateneo de Manila University, natuklasan ng mga biyologo ang Pseudo-nitzschia pungens at Pseudo-nitzschia brasiliana sa mga shellfish farm sa Luzon na maaaring maglabas ng neurotoxin na sanhi ng karamdaman at matinding pagkawala ng alaala.

Bagamat ang karamihan sa mga diatom na Pseudo-nitzschia ay itinuturing na hindi nakakapinsala, 58 species ang napag-alamang maaaring maglabas ng domoic acid (DA) na nagdudulot ng pagsusuka, pagkahilo, pagtatae, pananakit ng tiyan, at maging ng permanenteng pagkawala ng alaala o “amnesic shellfish poisoning” kapag nakain.

Ito ang unang pagkakataon na natagpuan ang P. brasiliana sa Luzon, ayon sa mga mananaliksik.

“Mahalaga ang pagiging maingat sa posibleng lason na dulot ng mga diatom na ito at ang maayos na pagsubaybay sa kanila. Ngunit dapat itong simulan sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang presensya sa ating katubigan. Sa aming kaalaman, halos wala pang molecular taxonomy ng Pseudo-nitzschia sa Pilipinas,” ayon sa mga mananaliksik.

Dagdag pa nila, “Mahalagang tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga species ng genus na ito, lalo na’t kalahati sa mga uri nito ay kilalang nagpoproduce ng DA, upang mapahusay ang pagsubaybay sa harmful algal blooms (HAB) sa Pilipinas.”

Nakumpirma ang mga positibong sample mula sa mga shellfish na nakalap mula sa Bacoor Bay at Pagbilao Bay sa Luzon ng Kagawaran ng Biology ng Ateneo de Manila University at Universiti Malaysia Sarawak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *