MEXICO – Muling pinatunayan ni Chelsea Manalo ang galing ng Pilipina matapos siyang mapabilang sa Top 30 semifinalists ng Miss Universe 2024 na ginaganap sa Arena CDMX, Mexico City.
Si Manalo, na mula sa Bulacan, ay naging isang standout sa preliminary competition, kung saan umani siya ng papuri mula sa mga hurado dahil sa kanyang kagandahan, talino, at tiwala sa sarili. Kabilang siya sa 25 napili ng panel, kasabay ng apat na continental queens at isang kandidata mula sa fan voting.
Malaki ang pag-asa na maaaring muling maiuwi ni Chelsea ang panglimang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas. Ang susunod na bahagi ng kompetisyon ay ang swimsuit at evening gown segments, susundan ng final Q&A para sa pagtukoy ng bagong Miss Universe.
Abangan ang laban ni Chelsea Manalo at ng iba pang semifinalists sa isa sa pinakaaabangang pageant ng taon.