Mapapaiyak ka na lang talaga habang dumadaan Siya sa harap mo.”
Ito ang sinabi ng semenaristang si Jamin Marfred Agustin nang masaksihan niya ang paglilibot ng Santisimo Sakramento sa mga lugar na sakop ng Parokya ng San Isidro Labrador sa Bulakan, Bulacan.
Kita sa mga larawang ibinahagi niya ang pagluhod ng mga mananampalataya habang dumaraan ang Santisimo Sakramento.
“Nakita ko sa mga mukha ng mga taong nadaanan namin ang kanilang pagsusumamo sa Panginoon, na hindi lamang maligtas sila sa sakit na COVID-19 kundi matapos na at mapuksa na ito para sa kabutihan ng lahat. Nakita ko kung paanong lumuhod, yumuko at nagbigay galang ang mga tao habang dumadaan ang Panginoon,” sabi pa ni Agustin.
Suspendido ang mga pampublikong misa sa lalawigan ng Bulacan, gayundin sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa bilang pagtugon sa mga hakbangin para mapigil ang pagkalat ng #COVID19 sa bansa.