Breaking News: Pinoy singer na si Sofronio Vasquez, wagi sa ‘The Voice USA’

vivapinas11122024_1

vivapinas11122024_1“Thank you so much to my Filipinos everywhere and in America who gave so much love and support,” pahayag ni Sofronio sa isang social media post matapos maihayag bilang isa sa Top 5 finalists.

Ang kanyang finale performance ng “A Million Dreams” mula sa pelikulang “The Greatest Showman” ang nangungunang video sa Facebook page ng “The Voice” bago pa man siya opisyal na ideklarang panalo.

Si Sofronio ay dating kalahok sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” kung saan umabot lamang siya sa semifinals ng lokal na kompetisyon.

“7x na-reject sa auditions ng TNT (singing contest sa Pilipinas). Walang chair turn sa The Voice Philippines at ngayon, nasa Top 5 Finale ng The Voice USA!” komento ng isang tagahanga sa YouTube video ng kanyang Top 5 performance.

Si Vasquez ay hindi lamang ang unang Pilipino, kundi pati na rin ang unang Asyano, na nagwagi sa prestihiyosong global singing contest na ito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *