SOURCE: Sen, Leila de Lima’s Website
Opposition Senator Leila M. de Lima has confirmed that she would seek reelection in the 2022 national elections, saying that the political persecution she has been subjected to by the Duterte regime only strengthened her resolve to fight for her advocacies.
She maintained that her unjust detention only pushed her to work harder to fight against injustice and defend human rights at all cost, which prompted her to seek reelection.
In a letter addressed to Mr. Duterte ahead of his sixth and final State of the Nation Address (SONA) on July 26, De Lima also chided the President for failing to fulfill all of his campaign promises, particularly on issues involving illegal drugs, corruption, the West Philippine Sea (WPS) and economy.
“Mahigit na apat na taon mo na akong ipinakulong para maitago ang iyong pagka-inutil, bukod pa sa paghihiganti mo sa akin. Mahigit na apat na taon na ipinagkait mo sa akin, sa aking pamilya, at sa labing-apat na milyon na bumoto sa akin. Mahigit na apat na taon na akin ngayong sisingilin sa pagtatapos ng iyong termino,” she said.
“Marami ang nagtatanong sa akin kung sa kabila ng pagyurak na ginawa mo sa akin ay may lakas pa ako ng loob na muling tumakbo bilang Senador sa 2022.”
“Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban.”
“Sisingilin ka namin sa anim na taon na pambabalasubas mo sa aming bansa,” De Lima stressed.
De Lima who is considered as the staunchest critic of the Duterte regime for her strong opposition to its murderous and failed drug war which resulted in the death of thousands of suspected drug offenders, has been detained since Feb. 24, 2017 over bogus drug charges.
“Mapapatunayan rin na puro huwad ang iyong mga bintang laban sa akin, puro gawa-gawang paratang na ibabasura ng korte, katulad nung isa sa tatlong kasong hinaharap ko,” said De Lima.
“Hindi mo naman talaga ako nawasak,” she told Duterte. “Hindi mo rin ako napasuko. Tuloy pa rin ang laban, kaya hindi rin dito matatapos ang aking kuwento.”
De Lima noted that Duterte, in his much-avowed campaign to solve the drug menace in the country, only targeted small-time drug dealers and failed to go after big-time drug lords.
“Pagkatapos ng limang taon, at libo-libong mahihirap na iyong pinapatay, wala kang maipakitang resulta. Talamak pa rin ang droga. Sa katunayan, hanggang ngayon may mga nahuhuli pa rin sa iyong mismong siyudad ng Davao, kung saan dapat pagkatapos ng ilang dekada ng paghahari ng iyong pamilya ay wala nang suliranin sa droga,” she said.
“Ako na ang tanging kasalanan ay magsalita laban sa EJKs ay nakakulong, samantalang ang mga tulad ni Peter Lim na may Warrant of Arrest sa pagiging big-time drug lord ay hindi mo man lang kayang ipaharap sa korte at hustisya,” she added.
Likewise, De Lima lambasted Duterte’s failure to address corruption, saying, “Naaalala ko na sinabi mo rin na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan wala nang korapsyon sa gobyerno. Pagkatapos ng limang taon, medyo mahaba-haba ang listahan ng korapsyon na pasimuno mismo ng mga tao na malalapit sa iyo.”
“Banggitin na lang natin ang pinakahuli: ang mahigit na anim na bilyong piso na kontrata na na-korner ng pamilya ng iyong pambansang alalay na si Senador Bong Go na ibinunyag ng dating Senador Sonny Trillanes. Ang sagot ni Go ay hindi naman raw siya nakinabang sa anim na bilyon na nakuha ng kanyang pamilya sa mga kontrata sa gobyerno.”
“Dito pa lamang sa sagot ni Go ay makikita na natin ang karakter ng mga tao na pumapaikot sa iyo at sa iyong istilo ng pamamahala, sa gobyernong Davao na ipinataw ninyo sa buong Pilipinas: isang gobyernong Mafia na walang ibang layunin kung hindi ang magkamal ng kayamanan gamit ang inyong mga posisyon sa gobyerno. Katulad ng ginawa ninyo sa Davao, ganoon din ang ginawa ninyo sa buong Pilipinas,” she added.
The lady Senator from Bicol further stressed: “Kabaligtaran ang nangyari. Pinagpiyestahan ninyo ang kaban ng bayan. Walang hiya-hiya, walang pakundangan. Bumukol kung bumukol. Wala kayong pakialam.”
De Lima also reminded the public of Duterte’s failure to defend the country’s territorial integrity.
“Wala naman siguro talagang tumanggap nang literal sa iyong pangako na mag jejet-ski ka sa mga isla sa Spratly. Ngunit umasa ang taumbayan na ipaglalaban mo ang Pilipinas laban sa pang-aabuso at pambabastos ng Tsina,” she said.
“Sa iyong pangako na iyon, malayo sa isip ng taumbayan na ikaw pala ay magiging tuta lamang ng Tsina. Na sa kabila ng pang-aabuso sa ating mga kababayang mangingisda at pagkamkam ng Tsina sa ating teritoryo at pangisdaan, ikaw pala ang magiging pinaka-masugid na tagapagtanggol ng dayuhang manlulupig. Isa ka palang traydor sa iyong sariling lahing Pilipino.”
De Lima further lashed out at Duterte for his economic mismanagement, stressing that the economy has become a total mess under his rule.
“Alam namin sa Gabinete ni PNoy na malaking budget surplus ang iniwan niya sa gobyerno pagkatapos ng kanyang termino. Ito ay pagkatapos ng anim na taon ng disiplina sa pangungutang, masinop na pagkolekta ng buwis, at pagpapalago sa pagkakakitaan ng mga ari-arian ng estado at pamahalaan,” she said.
“Ngunit ano ang ginawa ninyo? Una pa lamang ay winaldas na ninyo kaagad ang pasalubong na budget surplus ni PNoy sa inyo. Pagkatapos nito ay inumpisahan na ninyo ang kaliwa’t kanang pangungutang, hanggang ang gobyerno mo ay tumatakbo na lamang sa pamamagitan ng utang at hindi dahil sa nakokolektang buwis ng gobyerno at kita ng estado.”
“Ang utang ng iyong gobyerno ay ang pinakamataas sa buong kasaysayan ng Pilipinas, doble pa sa pinagsama-samang inutang ng lahat ng nakaraang administrasyon mula kay Pangulong Cory Aquino,” she added.
Despite being unjustly incarcerated, De Lima continues to champion human rights and social justice. She has filed more than 500 bills and resolutions since being elected in office. Some of those she has authored which have been enacted into law include the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, Magna Carta of the Poor Act, Community-Based Monitoring System Act, and the National Commission for Senior Citizens Act.