MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Martes ang pagtanggal sa kanyang city information officer na si Jefry Tupas dahil sa pagiging isa sa mga bisita sa isang party na sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Inaresto ng PDEA ang hindi bababa sa 17 indibidwal kabilang ang pangunahing target ng buy-bust operation sa isang beach party sa bayan ng Mabini ng Davao de Oro.
Nasamsam din ng mga awtoridad ang P1.5 milyong halaga ng droga sa raid.
“The former City Information Officer, Jefry Tupas, of the City Government of Davao was involved in a drug raid last November 6 in the Municipality of Mabini, Province of Davao de Oro,”sabi ni Duterte-Carpio sa isang pahayag.
“Last Sunday, Jefry signified his resignation and on the same moment he was informed that he is terminated from work with the City Government of Davao,”dagdag niya.