Nakasama ang kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa Missosology’s Top 5 hot picks para sa Miss Universe 2021 crown.
Ibinahagi ng pageant website ang kanilang mga napili noong Linggo, at sinabing maganda ang performance ng Cebuana queen sa buong preliminaries.
“Despite pressure that comes with wearing the Philippine sash, Beatrice seems to be totally unaffected and has shown grace and poise throughout the competition,”sinabi ng Missosology.
“Pageant fans could sometimes be very nitpicky, but to our pool of experts, Bea’s overall performance during the preliminary competition was outstanding,” dagdag nila.
Nangunguna si Harnaaz Sandhu ng India, kasunod sina Elle Smith ng America, Michelle Marie Colon ng Puerto Rico, at Valeria Ayos ng Colombia.
Kumumpleto sa Top 10 ay sina Kedist Deltour ng Belgium, Nadia Ferreira ng Paraguay, Sarah Loinaz ng Spain, Clémence Botino ng France, at Debbie Aflalo ng Dominican Republic.
Napalitan ang katayuan ni Beatrice matapos magpakitang gilas sa entablado ng Miss Universe sa Israel gamit ang kanyang pink na swimsuit, pulang evening gown, at ang kanyang “Bakunawa” national costume.
Bago ang preliminary competition noong Sabado, nalagay siya sa ika-10 sa pangalawang hot pick ng Missosology.
Gumawa ng kasaysayan si Beatrice noong Setyembre matapos maging unang bukas na miyembro ng LGBTQIA+ community na nanalo ng korona ng Miss Universe Philippines.
Ang coronation event para sa 70th Miss Universe ay sa Lunes ng umaga (oras ng Pilipinas).