MANILA – Itinanggi ni Vice President Leni Robredo nitong Huwebes ang pahayag na nilabag ng kanyang anak na si Tricia ang quarantine protocols matapos magpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang buwan.
Sinabi ni Robredo na “fake news” ang mga insinuations na isang miyembro ng kanyang security team ang nagkasakit ng COVID-19 mula kay Tricia dahil hindi kailanman nakipag-interact ang kanyang anak sa kanyang mga tauhan na nahawaan din ng viral disease.
“She was in the isolation facility when my security reported for his post Christmas duty,”sinabi ni VP Robredo sa isang facebook post.
“Aika and Jillian are on home quarantine because they were the ones who got exposed after they traveled together,” sinabi niya na tinutukoy ang kanyang dalawang anak na babae.
“Until now, they are not leaving their bedrooms and are continuing with their quarantine,”sinabi niya.
Nauna nang nagbakasyon ang mga anak ng Bise Presidente sa United States kung saan nag-aaral si Jillian.
Umuwi ang magkapatid noong Disyembre 19 matapos mag-negatibo sa COVID-19 bago sumakay sa kanilang flight.
Sinabi ni Tricia na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos sumailalim sa isa pang RT-PCR test noong Disyembre 24.
“On Christmas Day, I was extradited from the hotel straight to a facility, while my sisters were to finish their mandated quarantine time at home,” sabi niya sa isang post sa Instagram.
I’m vaccinated and boostered, and I was at my healthiest when this happened… So be careful and get your shots when you can!”sinabi niya.
Noong Miyerkules, sinabi ng Bise Presidente na siya ay kasalukuyang naka-quarantine matapos ang kanyang close-in security na nagpositibo sa COVID-19, habang ang kanyang team ay patuloy na nagpapalakas ng mga relief efforts para sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Odette.