MANILA, Philippines — Nilampaso ni Vice President Leni Robredo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa survey sa pagkapangulo sa hanay ng mga estudyante ng ilang malalaking unibersidad sa bansa.
Nakakuha si Robredo ng 85.1 porsiyento sa survey na ginawa ng Bulacan State University (BulSU) Students’ Rights and Welfare mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 12, 2021. Si Marcos naman ay mayroon lang 11 porsiyento.
Sa survey ng West Visayas College of Education, nakakuha si Robredo ng 79.25% habang si Marcos ay may 5.35% lang.
Tinambakan din ni Robredo si Marcos sa survey ng Psychological Society of Our Lady of Fatima University–Quezon City nang makakuha ito ng 65.6% kontra sa 20.6 ng kanyang katunggali.
Sa mock poll ng Polytechnic University of the Philippines Supreme Student Council mula Disyembre 7-12, 2021, nakakuha si Robredo ng 53% kumpara sa 25.8 ni Marcos.
Sa survey ng Cavite State University Main Campus, nanguna si Robredo (68.4%) habang si Marcos ay may 21.0% lang.
Napakalaki rin ng lamang ni Robredo kay Marcos sa survey ng Ateneo Graduate School of Business, 73.9% habang 9.6% si Bongbong.
Sa survey naman ng Malayang Samahan Ng Agham Panlipunan ng Central Luzon State University, una rin si Robredo na may 53% habang 22% lang si Marcos.