inusulat ko ito ilang linggo matapos kong mabalitaan na ang aking ina, ang babaeng nagngangalang Loren Legarda, ay tatakbong senador sa ilalim ng partido na pinangungunahan
ng isang Marcos at isang Duterte. Ineendorso ng aking ina ang mga pasista. Ilang linggo na akong umiiyak araw-araw, sumisigaw araw-araw hanggang sa sumuka na ako ng dugo. Talagang hindi ko lubos maisip, hindi maatim ng aking konsensya, at hindi ko mapapatawad ang naging desisyon niya. Nitong nakaraang buwan, tila bumagsak ang buong buhay ko. Daig pa nito ang isang bangungot. Hindi pa rin ako makapaniwala at hinding-hindi ko iyon matatanggap.
Ilang linggo na akong paralisado dahil nasasaktan ako. Wala na akong magagawa kundi isapubliko ang labis-labis na pagkasuklam ko sa aking ina at sa mga napagpasyahan niyang gawin. Sukdulan ang sakit na ibinibigay nito sa akin at parang gusto ko nang mamatay. Gusto kong malaman ng lahat na hindi na ako anak ni Loren Legarda kailanman dahil sa mga nangyari. Kulayan n’yo siya ng pula dahil sa labis na kahihiyan. Huwag n’yong hayaang makalimutan niya ito. Sabi nga ng isang sikat na babae: “I don’t know her.”
Kung hindi pa nag-post si Ariana Grande ng video ng isang rally kung saan sabay-sabay na kumakanta ang maraming tao ng “Break Free,” hindi ko maaalala na may magaganap nga palang eleksiyon sa Pilipinas. Matagal na akong hindi naninirahan diyan simula pa noong 18 pa lang ako. Halos kalahating dekada na akong wala riyan, at ganoon na ring katagal na hindi ko nakikita ang aking ina, kaya wala akong alam sa kung sino ang mga tumatakbo sa eleksyon. Pero nasaksihan ko ang mga nangyari sa bansa sa loob ng nakaraang anim na taon at suklam na suklam ako. Alam kong may kalakip na pribilehiyo ang paglayo kong ito, pero nakondisyon na kasi ako sa trauma ng paglaki sa isang bansang alam kong malubha na ang karamdaman noon pa man, isang bansang nagkaroon ng amnesia sa kasaysayan kaya umabot tayong lahat sa puntong ito.
Tinututulan ko ang normalisasyon ng malakriminal na pagkapasista ng pamahalaan, ang paggamit ng mga kasinungalingan bilang mga alternatibong katotohanan, at ang pagrerebisa ng kasaysayan ng bansa na ngayon ay isinusulat na parang isang pabula. Ang aking ina ay isang halimbawa ng kung paanong ang pasismo ay lumulukob sa isang bayan, ginagawa itong katanggap-tanggap, nagiging normal, at naisasakatuparan. Gusto kong malaman n’yo na wala siyang kamalay-malay tungkol sa lalim ng kasamaan na kaniyang ginagawa. “Oo, nasa ticket nila ako. Pasista na ba ako dahil doon?” Tanong niya ‘yan sa akin. Hindi ko alam kung nagmamaang-maangan lang siya o nagpapaka-sinikal. Nakapanghihilakbot. Ang nanay ko ay isang babaeng nabuhay noong Martial Law. Dati siyang journalist na nagturo sa akin na pahalagahan ang katotohanan at katarungan. Ganito na silang lahat—karima-rimarim, wala na sa wasto ang pag-iisip, at wala na ring sinasanto. Literal na wala silang alam tungkol sa ginagawa nila at sa deka-dekadang karahasan at paghihirap na idinudulot nila. Para sa nanay ko, isa lang itong eleksyon, panahon ng kawalang-hiyaan at oportunismo. Hindi nila lubos na nauunawaan na ang paghahalal sa isang Marcos ay katapusan na ng lahat para sa Pilipinas. Ito na ang katapusan, ang hangganan ng kasaysayan.
Ipinanganak ako noong 1990, sa ilalim ng anino ng ilang dekada ng takot, paghihirap, at korupsiyon na idinulot ni Marcos. Ang lagim ng kanilang pamamahala ay pawang totoo at napatunayan. Na kailangan pa itong ipagdiinan ay isang bagay na hindi ko maintindihan. Kung tahasan mong binabaluktot ang mga katotohanang ito, dapat kang ituring na kaaway ng hustisya, at ng libo-libong buhay at mga pamilya na winasak ng mga Marcos at mga Duterte, at ng milyon-milyong Filipino na araw-araw na nakikipaglaban para sila ay pigilan. Sa kaniyang ginawa, ang aking ina, si Loren Legarda, ay parang dumura na rin sa mukha ng mga kababayan niya.
Ayon sa Indian na makata at aktibista na si Aamir Aziz, na naging biktima rin ng hilakbot na dulot ng pasismo: “Ang lahat ay maaalala.” Pinipili kong alalahanin hindi lamang ang mga krimen ng mga taong nasa kapangyarihan, kundi pati na rin ang mga taong nagluklok sa kanila sa puwesto. Isa-isahin n’yo ang lahat ng mga kakilala n’yong bumoto sa kanila, at tandaan n’yo ang kanilang mga pangalan. Tandaan n’yo rin na sa kanilang ginawa ay parang dineklara na rin nila ang pagpanig nila sa mga kasinungalingan at sa isang bersyon ng kasaysayan na walang puso at walang kaluluwa. Alam sana nila kung ano ang kinakatawan ng kanilang mga ibinoboto—walang habas na pagpatay, pangungulimbat, ang pagpanaw ng demokrasya, ang pagtanggi sa katotohanan, at ang pagrerebisa ng kasaysayan— itong lahat ang gustong-gusto nilang maisakatuparan. Kapag dumanak na ang dugo sa mga kalsada, ipaalala n’yo sa kanila na may dugo rin sa kanilang mga kamay, kumikinang sa pagkapula. Ipaalala n’yo iyon sa kanila sa bawat araw. Ito ang kanilang mga krimen ngayon. Kailangan nilang managot. At kailangan nilang ariin ang mga ito. Tingnan natin kung makakaya nila itong ipagtanggol.
Labis-labis ang aking kalungkutan. Putang ina ang nanay ko dahil hinayaan niyang mangyari ang lahat ng ito. Ang mga krimen nila ay mga krimen niya na rin. Sana ay kayanin din niyang maipagtanggol ang mga ito.
[Isinalin sa Filipino ni Elmer Gatchalian]
I’m writing this weeks after learning the news that my mother, a woman named Loren Legarda, is running for senator on a slate led by a Marcos and a Duterte. She is endorsing fascists. For weeks I have been crying every day, screaming every day until I spat out blood. The decision she’s made is so profoundly unthinkable, unconscionable, unforgivable. In the last month, my entire life has collapsed. It is beyond a nightmare. I still cannot believe it and will never be able to accept it.
For weeks I have been paralyzed in pain. But I have no choice but to publicly declare that I am absolutely disgusted by my mother and what she has decided to do. It sickens me and makes me want to die. I need everyone to know that Loren Legarda lost her son forever because of this. Paint her bright red with that shame. Don’t let her forget it. In the words of a wise woman: I don’t know her.
It took Ariana Grande posting a video of a Leni rally with the crowd singing “Break Free” for me to remember that an election was happening. I have not lived in the Philippines since I was 18; I haven’t been in half a decade, haven’t seen my mother in as long, and did not know who was running. I have witnessed the last six years unfold in absolute horror. This detachment is an immense privilege, and conditioned by the immense trauma of having grown up in a country that I always recognized was sick, infected with the historical amnesia and denial that have led to this moment.
I refuse the normalization of fascistic state thuggery, of lies as alternate truth, of the country’s sorry history being rewritten as fable. My mother is an example of how fascism takes hold, is made acceptable, normalized, facilitated, ushered in. I need you to know that she has no clue about the utter gravity and depravity of what she is doing. “So I am on their ticket. Does that make me a fascist?” she asked, both cluelessly and cynically. I was aghast. This is a woman who lived through Martial Law; she was once a journalist who taught me to value truth and justice. This is how vile, braindead, and reckless these people are. They literally have no idea what they are doing, the decades of violence and anguish they are unleashing. For her it is just any other election year, ripe for the usual craven, convenient opportunism. There is no understanding that another Marcos presidency would mean the end of everything for the Philippines. The end of history, ang hangganan ng kasaysayan.
I was born in 1990, in the shadow of decades of Marcos terror, oppression, and corruption. I truly cannot believe the success with which these crimes have been whitewashed. I feel like the rug has been pulled out from under me.
The litany of Marcos crimes is not something to be debated. Their atrocities are fact. To even have to state that is patently absurd. To push back against these truths is to declare yourself an enemy of justice; of the thousands whose lives and families have been destroyed by the Marcoses and the Dutertes; of the millions today fighting on the front lines to stop them. My mother, Loren Legarda, spits in the faces of all these people.
The young Indian poet-activist Aamir Aziz, himself engulfed by fascist terror, wrote that, “Everything will be remembered.” I choose to remember merely not the crimes of those in power, but also those among us that handed them power. Recognize all those in your life who are voting for this, and remember their names. Remember that they have declared their subscription to lies and a version of history rooted in brazen, wicked mendacity. They know exactly what they are voting for – mass murder, mass theft, the end of democracy, the denial of truth, the rewriting of history – and they want it desperately. When blood runs in the streets, never let them forget that they have blood on their hands, glowing fervid and bright red. Remind them every day. These are their crimes now. Make them answer for these crimes, make them own them. Make them defend them.
I am in utter grief. F*** my mother for abetting this. Their crimes are her crimes now. Make her defend them.
Lorenzo Legarda Leviste is the son of Loren Legarda.