Repost from:
Dr. Edwin S. Tucay
Cardiologist
Phil. Heart Center
Para sa mga mamayang PILIPINO:
Nung pumutok ang TAAL dagsa ang tulong, overflowing…
Nung nagkagyera sa marawi, nagpadala ng maraming mga sundalo sa mindanao lahat may armas. Ang dami din nagpadala ng tulong.
Ngaun dumating ang COVID 19.
SANA DIN MARAMI ANG TUMULONG SAMIN.
Ang mga health workers bukod sa kulang na kulang na kame, wala pa kame mga ” armas”.
Para kaming mga sundalo na humaharap sa gyera na wala man lang bitbit na baril.
Bukod pa sa hindi na nga malaman papaano pupuksain ang kalaban kasi di mo alam nasaan cya.
ANUNG MGA KAILANGAN NAMIN????
DASAL
SUPPORTA
COOPERATION
MGA GAMIT NA PROTEKSYON NAMIN
PPE- yan po yung full gear na damit na puti na nakikita nyo sa china na suot nila from head to foot kasama ang mask at face shield.
Ilan po ba sa mga hospitals ang nakita nyo na nakasuot ng ganyan???
Bilang na bilang diba?
Maswerte kayo na mga nasa bahay lang.
Ang taas ng chance nyo na di magkasakit!!!
E kame na nasa mga hospitals. Mga frontliners, araw araw kame nasa gyera… WALANG ARMAS. Parang suicide mission to.
REALTALK- HINDI KAYA NG GOBYERNO NATEN ITO NG MAGISA.
ISA ISA NANG MAY NATATAMAAN NA DOCTOR.
isang doctor na maquarantine or magkasakit katumbas yan ng libo libo na pasyente na maisasalba nya.
Yung mga naghoard ng mga face mask at alcohol MAKUNSENSYA KAYO!!!
KAME PANG MGA HEALTHWORKERS ANG WALANG MABILI NYAN. DI NYO KAILANGAN MAGFACE MASK AT ALCOHOL KUNG NASA BAHAY LANG KAYO AT DI NAMAN LUMALABS. SIMPLENG PAGHUHUGAS LANG NG KAMAY PWEDE NA.
Sana lang sa mga nakaka angat sa buhay,mga business man, mga artista, mga may busilak na puso,
may mga materials na may waterproof materials na parang raincoat,
Mga patahian na pwedeng tumahi..
SANA MAY MGA MABUBUTING LOOB NA MAKAISIP NA MAKAGAWA NG PPE AT IPAMUDMOD SA MGA NASA HOSPITAL NG LIBRE kahit improvise lang. Mas ok na yun kesa wala.
Isa isa na nababawasan ang mga healthworkers.
Tulungan nyo po kame sa GYERA NA ITO habang di pa huli ang lahat.