Ang sulat ni Batangueno kay Bulkang Taal:
Dear Bulkan Taal,
Kamusta na ga, ikaw ga e galit pa din? Kalma na ikaw, nasisira na ang iyong ganda pg ikaw e gay-an.. ang mga tao at mga hayop na nakatira sa malapit sa iyoy mga natatakot na.. kung talagang galit ay ilabas mo na, pero pagkatapos nun ikaw e tatahan na nang kamiy makapagsimula na ulet.. ay baka hindi mo alam, kahit saan kami makarating at my nagtanong kung kamiy taga saan, taas noo naming ipinagmamalaki na kami ay nakatira malapit sa iyo.. ay talaga namang pagkaganda mo pg ikaw e pirmi e, tawag nga sa iyo e puso ng Batangas.. sa ganda naman nga ng ating lalawigan lalo na sa mga baybayin ng lawa mo, ay inang, talaga namang babalik balikan kahit kamiy nangingibang bayan.. Ikaw e kumalma at tingnan mo ngay-on ang paligid mo, ay talaga namang nakakaiyak ang itsura ngay-on.. tahan na.. wag ka mag alala, ikaw e mahal na mahal pa rin namin.. alam kong mahal mo din kami.. tahan na… nang kamiy makabangon na at nang ikaw e bumalik na ulet sa iyong ganda.. tahan na, pg sa bait naman..
Isa laang ang aking napatunayan sa pagkagalit mo, na kaming mga batangenyo pala ay ganung katindi ang pagkakaisa.. kita mo ga? Aba ay kahit karibok at puno ng alikabok tlga namang kita ang bayanihan sa isat isa.. may nakita ka gang nagreklamo di ga e wala.. maiingay laang kami at akala e matatapang, pero pusong mamon sa oras ng pangangailangan… ay sya tatapusin q na d2 at pagkahaba na.. ikaw e magpahinga n at ilang araw ka nang naglulupage..
Nagmamahal,
Bangon Batangas (Anonymous)