“Star for All Season” Representative Vilma Santos voted to grant ABS-CBN 2 a franchise. Ate Vi is campaigning for the ABS-CBN franchise among her fellow congressmen
According to her Instagram post:
“Bilang may akda ng House Bill 4305, isa sa mga panukala sa muling pagbigay ng prankisa sa ABS-CBN, ako po ay umaapela sa aking mga kasamahan sa Committee on Legislative Franchises na magkaroon ng malawak na pang-unawa at pag-iisip tungkol sa usaping ito.
“Nawa’y patas na aplikasyon ng batas, at balanseng pagtingin at pagsusuri, ang magiging sandigan natin sa paggawa ng desisyon.
“Narinig natin ang pahayag ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na walang nilabas na batas o regulasyon ang ABS-CBN. Panghawakan din natin and sinabi ni Ginoong Carlo Katigbak, na ‘Patuloy kaming magsusumikap na maging mas mabuting kumpanya…’
“Hindi din natin pwedeng isawalang-bahala ang mahigit na animnapu’t limang taon na serbisyo publiko ng kumpanyang ito. Sakop dito ang pagbibigay ng balita’t inpormasyon, edukasyon pang telebisyon, entertainment o libangan, pag-alaga ng kalikasan, at higit sa lahat, ang pagbibigay tulong sa kapwa, may sakuna man o wala, sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya at Bantay Bata.
“Ako po ay isa sa mga naniniwala na karapat-dapat na mabigyan muli ng pagkakataon ang ABS-CBN na ipagpatuloy ang serbisyo sa mamamayang Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya. Kailangan natin ang tulong nila.