Baguio City Public Market, tinamaan ng apoy

vivapinas03122023-53

vivapinas03122023-53Nagsimula ang sunog alas-11:08 ng gabi, ayon kay Baguio City Fire Station chief Fire Superintendent Marisol Odiver sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Naapektuhan ang Blocks 3 at 4 ng market. Ang mga lugar na ito ay naglalaman ng mga stall na nagbebenta ng mga damit at souvenir, sabi ni Odiver.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago ito naapula alas-4:38 ng umaga noong Linggo.

Inaalam pa ng mga fire investigator ang tinatayang halaga ng pinsala sa ari-arian at inaalam ang posibleng sanhi ng sunog

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang mga displaced vendor ay papayagang gumamit ng mga lansangan sa palengke pansamantala habang nagpapatuloy ang negosasyon para sa relocation site sa ilalim ng public-private partnership (PPP) project.

“Siguro initially siguro, sa kalsada muna natin ilalagay kasi hindi pa naman ready ‘yung ating relocation site, hindi pa natapos ang proseso ng PPP. But I hope na ma-fast track lahat ‘yan para tuloy-tuloy ang pagtatayo ng relocation site. at talagang ma-rehabilitate natin itong palengke,” Magalong said in a video posted on Facebook on Sunday by the Baguio City Public Order and Safety Division.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *