Pahayag ni Tulfo sa kanyang programa, habang ipinapakita ang video ng mga kabayong nababalutan ng abo ang buong katawan: “May mga kabayo palang naiwan diyan po sa Taal Island. Diyos ko po, maawa ka!
“Iniwan ng mga kumag na may-ari. Pinagkakitaan nila noong hindi pa sumabog ‘yang Taal.
“Tingnan mo ‘yang mga hitsura ng kabayo. Nakatayo na lang, hinang-hina na sa init. Hindi na nagalaw. Punumpuno ng abo mga kabayo.
“Ang hindi ko po maintindihan, yung putragis na may-ari, nagsitakbuhan, yung kabayo nila iniwan. Iniwan niya yung kabayo!
“Negosyo ‘yan, e. Sinasakyan ng mga turista.
“May mga pumunta na raw diyan kahapon na mga miyembro ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS.
“Iniwan ng mga putragis na may-ari kung sinuman yung nagpapatakbo ng turismo diyan.
“Hindi man lang naisip na isama ‘yung kabayo. Susmaryosep!
“Pinagkakitaan ninyo ang mga kabayo na ‘yan. Putragis, ngayong delubyo, iiwan ninyo!”
Litanya pa ni Tulfo sa kanyang Tutok Tulfo program noong January 14: “Dapat ‘yang mga ganyang negosyo, turismo-turismo, kapag nag-evacuate kayo, evacuate niyo pati ang mga alaga niyo diyan.
“Kung may mga zoo kayo, lahat evacuate ninyo.
“Sarili ninyo ang inunap, ero kabayo, pinagkakitaan ninyo.
“Kumita kayo sa mga kabayo dahil ito ang sinasakyan ng mga turista, pag bakwit ninyo, iniwan ninyo ang mga kabayo, mga putragis kayo!”
Eto naman ang buwelta ng mga residente ng Batangas at ng mga may-ari ng kabayo sa pahayag at batikos ni Erwin Tulfo dahil hindi raw nito nararamdaman at nalalaman ang trauma na kanilang pinagdaraanan. Eto ang kanyang pahayag;
Buwelta ng Batangueño: “‘Yan ang isa po sa aking na-rescue kabayo doon. Pinaliliguan muna para po siya ay presko.
“Tulfo, ito na ang sinasabi mo pinabayaan namin. Sinasabi mo na pinabayaan namin ang aming mga kabayo.
“Ako po ang tunay na Pilipino, hindi si Tulfo na husto sa dada, ala gawa.
“Saan siya nakatala na mumurahin niya ang tao?
“Bakit, ano ang akala niya sa kabayo? Bata na basta papasanin? Hindi naman, a!
“Kabayo ‘yan, hindi ‘yan dadalawang kilo! Hindi ‘yan sasampung kilo! Mag-isip-isip!
“Naturingang malaki ang pinag-aralan, mataas, pero kami mababa lang, pero kami, hindi nawawalan ng isip kahit nakalog na nakalog na ng bulkan.
“‘Yan ang pagkakaiba!”
Hinamon nila si Tulfo na personal na pumunta sa kanilang lugar at tumulong sa pagliligtas sa mga kabayo at ibang hayop.
“Ako ang tunay na Pilipino, hindi si Tulfo na husto sa dada, ala gawa!”
Ito ang resbak ng isang residente ng Taal, Batangas laban sa hard-hitting broadcast journalist na si Erwin Tulfo dahil sa pagbatikos nito sa mga may-ari ng mga kabayo na pinararatangan niyang nag-abandona sa mga hayop na pinagkakakitaan nang pumutok ang Taal Volcano noong January 12.