Brandon Espiritu, 2nd Runner-up sa Mister Supranational 2024

vivapinas07072024_02

vivapinas07072024_02

Si Brandon Espiritu ng Pilipinas ay hinirang bilang second runner-up sa Mister Supranational 2024 na ginanap sa Nowy Sacz, Poland, noong Huwebes ng gabi, Hulyo 4, 2024 (Biyernes ng madaling-araw, Hulyo 5, 2024 sa Pilipinas).

Ang titulo ng Mister Supranational 2024 ay napunta kay Fezile Mkhize ng South Africa, isang doktor at aktor.

Si Casey de Vries ng Netherlands ang first runner-up sa ika-8 edisyon ng Mister Supranational.

Naging third runner-up si Marcos De Freitas ng Venezuela, habang fourth runner-up naman si Sanonh Maniphonh ng Laos.

Si Brandon Espiritu ay kinilala bilang Mister Social Media Influencer sa Mister Supranational 2024, na nagpapakita ng husay ng Pilipino sa larangan ng social media.

“Hindi man natin nakuha ang korona, hindi na mahalaga. Ang tagumpay na ito ay tagumpay na sa puso ko,” ani Brandon sa kanyang pasasalamat sa mga Pilipino matapos ang koronasyon.

Si Fezile Mkhize naman ang nagtala ng kasaysayan bilang unang South African at black winner ng Mister Supranational. Bago ito, siya ang first runner-up sa Mister World 2019 na ginanap sa Pilipinas noong Agosto 23, 2019.

Dalawampu’t walong taong gulang si Fezile nang dumalo siya sa Pilipinas para sa ika-10 edisyon ng Mister World.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *