Doc Willie Ong Nagbunyag ng Matinding Katotohanan: ‘Corrupt ang mga Politiko sa Pilipinas’

vivapinas17092024_01

vivapinas17092024_01Maraming Pilipino ang nalungkot matapos ibalita ni Doc Willie Ong na siya ngayon ay lumalaban sa kanser. Siya ay na-diagnose na mayroong sarcoma, na ayon sa kanyang mga doktor, ito ang pinakamalaking kanilang nakita. Ang tumor ay may sukat na 16 x 13 x 12 sentimetro at matatagpuan sa kanyang abdomen, sa likod ng kanyang puso at sa harap ng kanyang spine. Dahil dito, nahaharangan ang kanyang esophagus, na nagpapahirap sa kanya na lumunok.

Ayon kay Doc Willie, nagsimula siyang makaranas ng hirap sa paghinga at paglunok, hanggang sa lumala ang sakit na kanyang nararamdaman. Inilarawan niya ito bilang 10/10 sa antas ng sakit. Dahil dito, sila ng kanyang pamilya ay lumipad sa ibang bansa para sa kanyang pagpapagamot.

Noong Setyembre, isiniwalat ni Doc Willie na siya ay dumaan sa “neutropenic sepsis,” isang kondisyon na nagdulot ng kritikal na kalagayan sa kanya. Bagamat siya ay naka-recover at na-discharge mula sa ospital, muli siyang na-admit dahil sa mababang bilang ng White Blood Cells (WBC), na side effect ng kanyang chemotherapy.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Doc Willie na balak sana niyang tumakbo sa darating na eleksyon, ngunit ipinayo ng kanyang doktor na hindi ito maaari. Noong 2022, tumakbo siya bilang bise presidente ngunit hindi pinalad.

“I need 2-3 months bago nila sabihin kung mabubuhay ako o mamamatay,” sabi ni Doc Willie.

Ibinahagi rin ni Doc Willie na limang beses siyang muntik nang mamatay. Ayon sa kanya, ang dating “duwag” na Doc Willie ay wala na at ngayon ay handa siyang sabihin ang katotohanan.

“Wala na ‘yung dating Doc Willie. Wala na ‘yung duwag na Doc Willie. Ito na ‘yung bago. Ito na ‘yung matapang,” aniya.

Sa kanyang vlog, binigyang-diin ni Doc Willie na bagamat kaibigan niya ang mga pulitiko, ibubunyag niya ang “katotohanan” dahil ramdam niya na nauubos na ang kanyang oras.

“Wala na akong paki… Mamamatay na rin ako… Sasabihin ko na ang totoo… Corrupt ang mga pulitiko sa Pilipinas,” pagbubunyag ni Doc Willie.

Ang celebrity cardiologist ay binigyang-diin na ang bawat pagsali niya sa politika ay para sa mga Pilipino, na labis niyang mahal. Ngunit, aniya, kapalit nito ay pambabatikos, na sa kanyang palagay ay naging sanhi ng kanyang karamdaman.

“Bawat takbo ko, para po sa inyo, hindi para sa akin,” pagtatapos ni Doc Willie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *