Pasok na sa 2024 Paris Olympic si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.
Ito ay matapos ang matagumpay na laban niya sa BAUHAUS-Galan leg ng Diamond League na ginanap sa Stockholm, Sweden.
Nakamit nito ang 5.82 meters na clearance para sa pagpasok nito ng tickets sa Olympics.
Target ni Obiena na mag-improve ang kaniyang performance noong 2021 Tokyo Olympics kung saan nagtapos lamang siya ng pang – 11 sa pole vault finals.
Matapos kasi na maidepensa niya ang gold medal sa Southeast Asian Games sa Cambodia noong Mayo ay sinundan ito ang pagkamit niya ng 6.0-meter mark clearance at kabilang na siya sa elite-six meter club sa pole vault.