Enteng’ papalapit na sa rehiyon ng Bicol; mas maraming lugar, nasa ilalim na ng TC Signal No. 1.

vivapinas01092024_01

vivapinas01092024_01

MANILA — Ang Tropical Depression na si Enteng ay patuloy na papalapit sa kalupaan ng Pilipinas ngayong Linggo ng gabi at maaaring tumama sa rehiyon ng Bicol, ayon sa PAGASA.

Huling namataan si Enteng sa baybaying-dagat ng Baras, Catanduanes noong 7 p.m. taglay ang pinakamalakas na hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso ng hangin na umaabot sa 70 km/h.

Ito ay kumikilos pa-Northwest sa bilis na 15 km/h, at nagdadala ng malalakas na hangin na umaabot hanggang 200 km mula sa gitna.

PAGASA ay nagsabi na inaasahan nilang lalakas si Enteng at magiging isang tropical storm sa Lunes. Dahan-dahan itong kikilos patungo sa Extreme Northern Luzon mula Martes hanggang Huwebes, kung kailan maaari itong lumakas bilang isang severe tropical storm.

Maraming lugar ang nasa ilalim ng heavy rainfall warning dahil sa pagbabagong ito ng LPA (Low-Pressure Area) patungo sa isang bagyo.

Inaasaang lalabas si Enteng sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes bilang isang typhoon.

Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay ang mga sumusunod:

Luzon:

  • Silangang bahagi ng Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Baggao, Peñablanca)
  • Silangang bahagi ng Isabela (Palanan, Dinapigue, Divilacan, San Agustin, San Guillermo, Jones, Echague, San Mariano, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City)
  • Katimugang bahagi ng Quirino (Nagtipunan, Maddela)
  • Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
  • Aurora
  • Hilaga at katimugang bahagi ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco, Lopez, Calauag, Catanauan, Gumaca, Macalelon, General Luna, Quezon, Alabat, Perez, General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Unisan, Pitogo, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Plaridel) kasama ang Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands

Visayas:

  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar
  • Biliran
  • Hilagang-silangang bahagi ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo)

Inaasahan na palalakasin ng bagyo ang habagat at magdadala ng matitinding pag-ulan sa Western Luzon.

Heavy Rainfall Outlook:

Linggo hanggang Lunes ng gabi:

  • 200 mm: Camarines Norte, Camarines Sur, Polillo Island, at katimugang bahagi ng mainland Quezon
  • 100-200 mm: Natitirang bahagi ng Quezon, Catanduanes, Masbate, Albay, Sorsogon, Northern Samar, at Samar
  • 50-100 mm: Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan, Metro Manila, natitirang bahagi ng CALABARZON, Marinduque, Romblon, Eastern Samar, Biliran, at hilagang bahagi ng Leyte.

Lunes ng gabi hanggang Martes ng gabi:

  • 100-200 mm: Isabela, Cagayan, Abra, at Ilocos Norte
  • 50-100 mm: Aurora at natitirang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at mainland Cagayan Valley.

Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng gabi:

  • 100-200 mm: Babuyan Islands, Apayao, Ilocos Norte, at hilagang bahagi ng Ilocos Sur
  • 50-100 mm: Batanes, mainland Cagayan, at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region at Ilocos Region.

Ayon sa PAGASA, ang malalakas na pag-ulan ay tatama sa Bicol, CALABARZON, at bahagi ng MIMAROPA at Visayas mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng tanghali; sa Luzon, lalo na sa Central at Northern Luzon, mula Lunes hanggang Biyernes.

Posibleng magkaroon ng seryoso at malawakang pagbaha at landslides sa maraming lugar sa Luzon.

Maaaring makaranas ng matitinding pag-ulan ang Metro Manila sa Lunes at mananatiling maulan mula Martes hanggang Huwebes. Sa Biyernes hanggang katapusan ng linggo, maaaring magkaroon ng maaraw na panahon ngunit may kalat-kalat na thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *