Hidilyn Diaz, natapos ang kanyang kampanya sa Paris Olympics

vivapinas0413202434

vivapinas0413202434Sa pagtatapos ng kanyang paglalakbay patungo sa Paris Olympics noong Abril 3, nagpahayag si Hidilyn Diaz, isang atletang Filipino at Olympic Gold Medalist sa weightlifter ay nabigong makapasok sa Paris Olympics Summer Games noong Huwebes.

Si Elreen Ando ang nakakuha ng tiket papunta sa Olympics matapos magpakita ng mas magandang performance sa women’s 59kg event ng 2024 IWF World Cup.

“Ang resulta ay hindi ayon sa gusto at plano ko. Ngunit ang kalooban ng Diyos ang mangyayari. Hindi ito ang araw ko at hindi para sa akin ang #Paris2024,” sulat ni Diaz sa kanyang social media post.

Binati rin ng unang Olympic gold medalist ng Pilipinas ang mga nakapasok sa Paris Games.

“Congratulations sa lahat ng weightlifters sa buong mundo na nakapasok sa #Paris2024, lalo na sa mga Atletang Pilipino, at sa mga atleta na nagbigay ng kanilang makakaya sa huling Olympic Qualifying Competition,” dagdag niya.

“We did great, we fought hard, and we did our best for our country.”

“It’s the end of my #Paris2024 Olympic journey, I will still lift, continue to lift, and inspire young Filipino Athletes to become Olympic Champions.”

Si Diaz ay lumahok sa bawat edisyon ng Olympics mula 2008. Siya ay nagwagi ng pilak noong 2016 sa Rio at ng ginto noong 2021.

Pagkatapos ng kanyang paglalakbay sa Paris, sina Diaz at ang kanyang asawang si Julius Naranjo ay naglaan ng ‘pamilya na oras.’

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *