MANILA – Humingi ng paumanhin ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa trapik na dulot ng kanyang “UniTeam Caravan” kasama ang running mate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio noong Miyerkules.
Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na si Victor Rodriguz na nangyari ang trapiko sa kabila ng paghahanda ng kanilang koponan para sa kaganapan.
“Hindi po kasi inaasahan ng mga naghanda sa nasabing okasyon na ma-overwhelm pa rin ang kanilang masinop at malawak na paghahanda sa araw ng mga taga-suporta nina Bongbong at Sara na sabi na makiisa at makita ang kanilang mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente,” ani Rodriguez.
“We are reviewing and assessing the situation right now. Bagama’t nagpadala ng formal withdrawal ang grupo nila, sinigurado pa rin namin na mag-deploy ng law enforcement, traffic, at medical personnel para magbigay ng handa na tulong,” ani Quezon City legal department chief, Nino Casimiro.
“Being National Roads, hindi namin gustong i-preempt and thus defer to the jurisdiction of the MMDA on the matter at this time.”
Ang Anakalusugan party-list representative at Quezon City mayoral candidate Mike Defensor at ang kanyang running mate na si Winnie Castelo ang nag-organisa ng caravan bilang suporta sa BBM-Sara tandem.
Sinabi ni Defensor na siya at ang kanyang mga tagasuporta ay nagplano na magsagawa ng pagtitipon para kay Marcos at Duterte-Carpio sa Quezon City Memorial Circle. Ngunit binigyan umano sila ng pamahalaang lungsod ng runaround, na tinawag ni Defensor na epektibong pagtanggi sa kanilang aplikasyon.
Itinanggi ni Belmonte ang pagtanggi sa aplikasyon ni Defensor at sinabing binawi ng kanyang kampo ang kahilingan. Idinagdag niya na ang Quezon City Memorial Circle ay isang child-safe zone, at maraming bata ang hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19.