Binigyang-diin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mawawalan ng connectivity ang mga indibiduwal na hindi pa nakapagrehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) hanggang 12:01 ng Hulyo 26.
Kapag na-deactivate ang isang SIM, sinabi ni Uy na mawawalan ng access ang isang user sa kanilang numero.
Hindi makakatawag o makakatext ang mga user at mawawalan din sila ng access sa kanilang mga e-wallet.
Kung matatandaan, noong Oktubre 10, 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act No. 11934, An Act Requiring the Registration of Subscriber Identity Module (SIM), o ang SIM Registration Law.
Batay sa nilalaman ng batas, ang hindi pagrehistro ng isang umiiral na SIM sa loob ng mga panahong itinakda dito ay magreresulta sa awtomatikong pag-deactivate ng SIM.
Ang isang na-deactivate na SIM ay maaari lamang i-reactivate pagkatapos ng pagpaparehistro alinsunod sa nasabing batas.