Idineklara ng Quezon City Council na ‘persona non grata’ sina Ai-Ai Delas Alas, Darryl Yap

Darryl-Yap-and-Ai-Ai-delas-Alas-1024x768

Darryl-Yap-and-Ai-Ai-delas-Alas-1024x768Inaprubahan ng Quezon City Council ang isang resolusyon na nagdedeklarang “persona non grata” ang short film director na si Darryl Yap at aktres na si Ai-Ai Delas Alas.

Inakusahan ang dalawa ng hindi paggalang sa opisyal na selyo ng lungsod sa isang video na nai-post online.

Inaprubahan ng konseho ng lungsod ang resolusyon na isinumite ni District IV Councilor Ivy Lagman.

Nag-ugat ito sa 2 minutong video na naka-post sa Facebook page ni Yap, na nagtatampok kay Delas Alas bilang isang karakter na pinangalanang “Ligaya Delmonte”.

Itinampok din sa video ang opisyal na triangular seal ng Quezon City, na may mga visual na elemento na na-edit at “na-deface”.

“Ang malisyoso at walang prinsipyong pagsira sa opisyal na selyo ng Quezon City ay kinutya at nagdulot ng kahihiyan dito, na nagdulot ng insulto sa marangal na representasyon ng selyo,” sabi ni Lagman sa isang pahayag.

“Hindi hahayaan ng mga taga-Quezon City na siraan ng sinuman ang opisyal na selyo ng Quezon City para sa personal at makasariling interes,” dagdag niya.

Ang video ay orihinal na nai-post bilang campaign video para sa Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, na tumakbo para sa Quezon City mayor ngunit natalo kay incumbent Mayor Joy Belmonte.

Wala pang pahayag sina Yap at Delas Alas sa desisyon ng Quezon City Council, as of posting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *