‘Igalang ang sagrado ng mga balota,’ sabi ng obispo ng Palawan sa resulta ng plebisito

20210313-AVPP-Plesbiscite-Sto.NiñoParish-PrincessUrduja-Narra-002

20210313-AVPP-Plesbiscite-Sto.NiñoParish-PrincessUrduja-Narra-002

Umapela ang isang obispo Katoliko na ang boto ng mga tao sa plebisito noong Sabado kung hahatiin ang Palawan sa tatlong mga lalawigan ay iginagalang.

Sinabi ni Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa na dapat pakinggan ang tinig ng mga tao.

“The people have spoken and they must be listened to through deep respect for the sanctity of ballots,” sabi ni Mesiona.

Nanawagan ang obispo sa mga tapat na manatiling “mapagmatyag” habang nagpapatuloy ang pagbibilang ng mga boto.

Tiniyak din niya ang mga panalangin para sa mga naatasan upang mapadali ang pag-canvass ng mga boto.

“May you always be inspired and guided by your solemn promise to serve the people and the common good,”  dagdag ni Mesiona.

Ang bahagyang hindi opisyal na mga resulta ng plebisito ay ipinakita na ang karamihan ng mga residente na bumoto ay ayaw sa dibisyon.

Batay sa hindi opisyal na bilang ng Apostolic Vicariate ng Taytay, ang botong “No” ay nangingibabaw sa plebisito na may 168,895 na pagboto laban sa split at 121,237 na bumoto na “Yes” para sa dibisyon nitong Linggo.

Saklaw ng tally ang mga boto mula sa 358 sa 367 na mga barangay sa Palawan.

Sa isang pahayag nitong Lunes, inamin ni Palawan Gobernador Jose Alvarez ang pagkatalo sa “No” nitong halalan.

Sinabi ni Alvarez na nirerespeto niya ang desisyon ng mga tao kahit na ang opisyal na canvassing ng mga boto ay patuloy pa rin.

Samantala, nagpasalamat si Mesiona sa mga nagsilbing boluntaryo para sa Parish Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) upang matiyak ang isang kapanipaniwalang plebisito.

“Your faith has shone so brightly serving and collaborating in the task of socio-political. Let alone God reward you for such good work,” ”aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *