MANILA – Naghain ng impeachment complaint laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa Kamara ng mga Kinatawan ang isang koalisyon ng mga lider mula sa civil society, sektor, at mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao ngayong Lunes.
Inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang reklamo na nagsasaad ng mga paglabag sa konstitusyon, graft and corruption, panunuhol, pagtataksil sa tiwala ng publiko, at iba pang mabibigat na krimen.
Kabilang sa mga complainant sina dating peace adviser Teresita Quintos Deles, Fr. Flaviano Villanueva, dating Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, at mga pamilya ng mga biktima ng drug war noong nakaraang administrasyon.
Pinangunahan ng dating senador Leila De Lima ang grupo bilang tagapagsalita.
“Public office is not a throne of privilege. It is a position of trust. Sara Duterte has desecrated that trust with her blatant abuses of power. This impeachment is not just a legal battle but a moral crusade to restore dignity and decency to public service,” ani De Lima sa kanyang pahayag.
Samantala, sinabi ni Cendaña na ang paghahain ng reklamo ay isang mahalagang hakbang sa paghahanap ng pananagutan.
“Today, I formally endorse the first-ever and historic impeachment complaint filed by our citizens against Vice President Sara Duterte. This moment marks a critical juncture in our nation’s demand for accountability. I stand in full support of the brave citizens calling for Duterte to answer for her blatant violations of the constitution, egregious corruption, and complicity in mass murder,” ani Cendaña.
Ayon kay Cendaña, ang reklamo ay bahagi rin ng mas malawak na layuning panagutin si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado nito kaugnay ng kontrobersyal na giyera kontra droga na nagdulot ng maraming pamilya na naghahanap ng hustisya.
Mga Batayan ng Impeachment
Ang reklamo ay naglalaman ng 24 na artikulo ng impeachment kabilang ang:
- Paggamit ng bilyong pisong confidential funds noong siya’y alkalde ng Davao City at bilang Pangalawang Pangulo;
- Kawalan ng accounting para sa mahahalagang pondo ng gobyerno;
- Pagtangging dumalo sa mga pagdinig ng Kongreso;
- Rigged bidding para sa kagamitan ng DepEd at hindi nagamit na PHP15 bilyon noong 2023.
Kasama rin sa mga paratang ang panunuhol, unexplained wealth, at akusasyon ng pagkakasangkot sa extrajudicial killings at pananakot sa mga opisyal.
Hinimok ng mga complainant ang Kongreso na kumilos nang mabilis at patas.
“Our complaint is a clarion call to dismantle the culture of violence, corruption, and impunity which were the hallmark of the Vice President. Today, we rise for those who can no longer speak for themselves, demanding that Congress take decisive action to uphold truth, justice and accountability,” ani Fr. Flaviano Villanueva.