“Sa unang araw ng Hulyo, ilulunsad natin ang Angat Buhay NGO. Meron na tayong template nito. Bubuuin natin ang pinaka-malaking volunteer network sa buong bansa. Pero hindi tayo mamimili ng tutulungan.” sabi niya.
“Iniimbita ko kayong lahat, ang mga nagpagod, ang mga kumpanya at private partners, itutuloy natin ang ating pagsasama-sama.” dagdag niya.
“Hayaan ang sarili na lumuha. Pero pag tapos nang lumuha, pahiran ang sarili, dahil may trabaho pa tayo.”
Wala pa ring direktang konsesyon mula kay VP Leni Robredo kahit na siya ay humahabol sa pagkapangulo, ngunit sinabi niya na sa Hulyo 1, muli siyang magtatrabaho upang pamunuan ang pinakamalaking grupo ng boluntaryo – isang non government office.