MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang listahan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nakakuha ng pinakamataas na performance rating kada rehiyon batay sa isinagawang survey noong nakaraang taon.
Ayon sa RPMD, ang ranking ay batay sa resulta ng survey na isinagawa sa buong bansa mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2. sa performance ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan
Sinabi nito na ang poll ay mayroong 10,000 respondents na random na pinili. Ang pamamahagi ay proporsyonal umano batay sa bilang ng mga rehistradong botante bawat lugar.
Nangunguna sa mga alkalde sina Joy Belmonte ng Quezon City sa National Capital Region (NCR) na may 95 percent na sinundan ni Eric Singson ng Candon City sa Ilocos region at Jonas Cortes ng Mandaue City sa Central Visayas, na parehong nakakuha ng 94 percent.
Pangatlo si Arlene Arcillas ng Sta. Rosa City sa Calabarzon na may 88 percent na sinundan ni Benjamin Magalong ng Baguio City sa Cordilleras na may 86 percent.
Nakatabla sa ikalimang puwesto na may 85 percent sina Nacional Mercado ng Maasin at Lucy Torres-Gomez ng Ormoc sa Central Visayas na sinundan ni Jerry Treñas ng Iloilo City sa Western Visayas na may 83 percent at Art Robles ng San Jose del Monte sa Central Luzon, 82 percent.
Nakuha ni Disqualified Mayor Geraldine Rosal ng Albay sa Bicol ang 81 percent na sinundan ni Indy Oaminal ng Ozamiz sa Northern Mindanao na may 80 percent.
Si Ronnie Lagnada ng Butuan City sa Caraga at Sebastian Duterte ng Davao City sa Davao region ay nakakuha ng 78 at 77 percent, ayon sa pagkakasunod.
Parehong nakakuha ng 75 percent sina Sammy Co ng Pagadian at Darel Uy ng Dipolog sa Zamboanga peninsula. Sinundan sila ni Lorelei Pacquiao ng General Santos City sa Soccsksargen na may 73 percent, Marilou Morillo ng Calapan sa Mimaropa na may 72 percent at Bruce Matabalao ng Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, 70 percent.
Si Quirino Gov. Dakila Cua ang nanguna sa mga nangungunang provincial executives sa Cagayan Valley na may 91 porsiyentong pag-apruba sa kanyang mga nasasakupan. Gwen Garcia ng Cebu sa Central Visayas at Matthew Manotoc ng Ilocos Norte sa Ilocos region ay nagtabla sa ikalawang puwesto na may tig-90 porsyento.
Tumabla sa ikatlong puwesto sina Jonvic Remulla ng Cavite at Dodo Mandanas ng Batangas sa Calabarzon na may tig-89 percent na sinundan ni Toto Defensor ng Iloilo sa Western Visayas na may 88 percent at Susan Yap ng Tarlac sa Central Luzon na may 87 percent.
Tumabla sa ikaanim na puwesto sina Peter Unabia ng Misamis Occidental at Henry Oaminal ng Misamis Oriental sa Northern Mindanao na may tig-85 porsiyento kasunod si Sharee Ann Tan ng Samar sa Eastern Visayas na may 83 porsiyento.
Kumpleto sa listahan sina Edwin Jubahib ng Davao del Norte sa Davao region na may 82 porsyento; Antonio Kho ng Masbate sa Bicol, 80 porsyento; Bonz Dolor ng Oriental Mindoro sa Calabarzon, 78 porsiyento; Nene Jalosjos ng Zamboanga del Norte sa Zamboanga peninsula, 76 percent; Emmylou Taliño-Mendoza ng Cotabato sa Soccsksargen, 74 percent; Bombit Adiong Jr. ng Lanao del Sur sa Bangasamoro region, 72 percent, at Melchor Diclas ng Benguet sa Cordilleras na may 70 percent.
Sa mga kinatawan ng distrito, pinangunahan nina dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Cavite Rep. Jolo Revilla ang kanilang mga kasamahan mula sa Central Luzon at Calabarzon, ayon sa pagkakasunod, na may 95 porsyento.
Sinundan sila ng Cebu’s Duke Frasco at Pablo John Garcia sa Central Visayas, parehong may 94 percent; Kris Meehan Singson ng Ilocos Sur at Sandro Marcos ng Ilocos Norte sa Ilocos region, parehong 93 percent; Toby Tiangco ng Navotas sa NCR, 93 percent, at Lorenz Defensor ng Iloilo sa Westen Visayas, 92 percent.
Nakakuha ng 90 porsiyento sina Joey Salceda ng Albay sa Bicol, Gerryboy Espina Jr. ng Biliran sa Central Visayas at Ando Oaminal ng Misamis Occidental sa Northern Mindanao.
Sinundan sila ni Adrian Amatong ng Zamboanga del Norte na nakakuha ng 88 percent; Sina Claude Bautista ng Davao Occidental at Eric Yap ng Benguet na parehong may 87 percent, Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur sa Caraga at Baby Alfonso ng Cagayan sa Cagayan Valley na parehong nasa 86 percent at Ton Acharon ng General Santos sa Soccsksargen, 84 percent.