Ipinagdiriwang ng mga Misyonero ng Our Lady of La Salette ang ika-75 taon ng Presensya sa Pilipinas, ang banal na misa ay pinangunahan ng Papal Nuncio sa Pilipinas, Archbishop Brown

vivapinas02032023-15
vivapinas02032023-15
Photo Credit to: Our Lady of the Pillar Parish – Cauayan City (Facebook Page)

ILAGAN CITY- Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang misa na gaganapin St. Michael Archangel Cathedral kaninang alas nuebe ng umaga bilang bahagi ng ikapitumput-limang anibersaryo ng Missionaries of La Sallete.

Dinaluhan ito ng daan-daang deboto mula sa ibat ibang lugar sa lalawigan ng Isabela.

Naging mahigpit naman ang seguridad sa lugar dahil sa mga nagbantay na kasapi ng PNP at PDRRMO Isabela para sa medical emergency na maaring mangyari.

Sa naging panayam ng Viva Pinas Online News, isa sa mga debotong dumalo, sinabi niya na hindi nila pwedeng palampasin ang nasabing banal na misa sa ika-pitumput-limang anibersaryo ng Missionaries of La Sallete at isang malaking karangalan ang makarinig ng salita mula sa isang pinakamataas na opisyal ng simbahan.

Samantala, pinasalamatan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mga bumubuo ng simbahan.

Pinuri rin niya ang malaking papel na ginagampanan ng mga OFW sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos sa ibang bansa.

Kaninang hapon ay binasbasan ng Apostolic Nuncio ang malaking imahe ng Our Lady of Guibang na nasa pagitan ng Guibang bypass road at national highway.

Isinagawa rin ng state dinner sa pamamagitan ng pag-host ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na pangungunahan nina Governor Rodito Albano at Vice Governor Bojie Dy.

Noong Biyernes, February 3 ay ginanap ang solemn dedication ng bagong National Shrine ng Our Lady of the Visitacion sa Guibang, Gamu, Iabela.

Nilagyan ng oil o langis ng Papal Nuncio ang altar at pader ng simbahan bilang tanda ng pagbebendisyon upang maging ganap na sagrado ang Pambansang Dambana ng Birheng Milagrosa ng Guibang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *