MANILA, Philippines – Kumakalat ang mga ulat na nasa ospital ang unang grand champion ng Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino matapos mahimatay habang nagpi-party sa Batangas City noong Linggo, Disyembre 4.
Isang kaibigan ng mang-aawit ang nagbahagi ng mga update na sumailalim sa operasyon ang 29-anyos na singer at inilipat sa Intensive Care Unit (ICU) ng Jesus of Nazareth Hospital noong Lunes, Disyembre 5.
Ayon sa mga ulat, pumutok ang nerve sa ulo ng singer, posibleng dahil sa aneurysm.
Tumanggi ang pamilya Baldivino na magbigay ng kanilang opisyal na pahayag sa insidente at humiling ng privacy
Noong 2022 presidential campaign, nagtanghal ang mang-aawit sa grand rally ng presidential candidate na si Senator Manny Pacquiao sa Dumaguete. Nagsagawa rin siya ng birthday concert noong Oktubre 16, kung saan kinanta niya ang ilan sa kanyang mga paboritong kanta ng Air Supply.
Samantala, nabulabog si Jovit nang ibunyag ng kanyang dating kasintahang si Shara Cruzat noong 2021 na napabayaan ng singer ang kanyang mga responsibilidad sa kanilang anak habang tinutugis ang kustodiya. Iginiit pa niya na “nang-scam” umano ang singer sa isang fan para makakuha ng pera, na itinanggi naman ni Jovit. Ipinagtanggol ni Jovit ang sarili, sinabing hindi siya iresponsableng ama at alam ng Panginoon na wala siyang ginawang masama laban sa kanila.