Kamara, Pinatalsik si Sara Duterte; Impeachment, Iuusad sa Senado

vivapinas22102024

vivapinas10052023-309Maynila, Pebrero 5, 2025 – Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte ngayong Miyerkules matapos makalikom ng 153 lagda mula sa mga mambabatas—higit sa isang-katlo ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara. Dahil dito, iuusad na ang proseso sa Senado para sa paglilitis, alinsunod sa nakasaad sa Konstitusyon ng 1987.

Ang impeachment ay nag-ugat sa tatlong reklamong isinampa laban kay Duterte, na kinabibilangan ng umano’y maling paggamit ng confidential funds, katiwalian, at pagtataksil sa tiwala ng publiko. Ayon sa mga complainant, ang mga kasong ito ay itinuturing na mabibigat na paglabag na maaaring maging batayan ng impeachment sa ilalim ng batas.

Bilang paghahanda sa susunod na hakbang, inatasan ng Kalihim ng Senado ang Senate Public Relations and Information Bureau na maghanda para sa posibleng pagtanggap ng reklamo mula sa Kamara ngayong araw. Kapag opisyal nang natanggap ng Senado ang artikulo ng impeachment, magsisimula ang paglilitis upang pagdesisyunan kung mapapatalsik si Duterte sa kanyang posisyon.

Wala pang pahayag ang kampo ng Pangalawang Pangulo hinggil sa naging desisyon ng Kamara. Samantala, patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang magiging takbo ng impeachment trial sa Senado, na magiging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng pulitika sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *