LUNGSOD NG SANTIAGO- Humigit-kumulang 100 sasakyan ang nakiisa sa parada, rosas ang tema bilang pagsunod sa kulay ng “LeniKiko2022” caravan, kumpleto sa mga mananayaw, mga nagtalumpati, mga beauty queens na pinangunahan ng mga LGBTQ ngayon Sabado, bilang suporta sa 2022 presidential bid ni Vice President Leni Robredo at Vice presidential bid ni Kiko Pangilinan.
Bilang pagsunod sa mga protocol ng COVID-19, ang mga boluntaryo sa pagsisimula ng caravan sa 4lanes, Santiago City ay mahigpit na pinaalalahanan ng mga organizer na sumunud sa mga alituntunin.
https://twitter.com/jmichaelmgsINQ/status/1451856747463806978?s=20
Sinabi ng isang organizer, Laban spokesperson, nasa mahigit 100 sasakyan ang sumama sa caravan sa kabila ng pag-ulan kaninang umaga.
“Napaka-overwhelming”, aniya, sa kusang pagpapakita ng suporta kay Robredo at Pangilinan sa kabila ng maigsing oras na preparasyon
Ang mga tao ay kusang sumulpot upang sumali bilang tugon sa mga post sa social media, at ang mga sasakyan ay hindi lamang mula sa Santiago City kundi mula sa mga bayan at lungsod sa timog Isabela.
Ang caravan ng mga sasakyan ay sinamahan ng mga pribadong sasakyan, mga traysikel at maging motorsiklo na nagpakita ng suporta mula sa mga ordinaryong Pilipino. manggagawa, mga kawani ng Kalusugan at mga negosyante.