Hindi bababa sa 632,000 kabahayan sa Metro Manila ang maaaring maapektuhan ng water service interruptions dahil sa mababang alokasyon at kakulangan ng ulan sa mga watershed, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) nitong Martes.
Ito ay matapos bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig ng Metro Manila mula sa Angat Dam sa 50 cubic meters per second (cms) at ang mababang antas ng naipong pag-ulan sa watershed.
“Ang nakikita po natin ay magkakaroon ng interruption just in case na hindi natin maranasan yung ulan, ay around 632,000 na customer ng Maynilad ang apektado,” MWSS Division Manager Site Operations Management Engineer Patrick Dizon said at a public briefing.
Ayon sa MWSS, maaaring tumagal ng hanggang 10 oras ang mga pagkaantala ng serbisyo.
“Nakafocus ito sa gabi around 10 or midnight, kung saan ang demand ng water ay mababa,” dagdag ni Dizon.
Sinabi niya na ito ay mas mababa sa 1.5 milyong apektadong residente sa panahon ng pagkaputol ng tubig noong Abril.
Sinabi rin ni Dizon na ang mga ipinatupad na augmentation measures, tulad ng deep well rehabilitation, modular water treatment plant, at pagbawi ng mga pagkawala ng tubig, ay nakatulong sa pagpapagaan ng sitwasyon ng tubig.
“This is in preparation na rin po sa nalalapit sa El Nino. We don’t want din po na magkaroon po ng high impact ng water interruption sa ating mga customer pagdating ng El Nino,” sinabi niya.
Samantala, ang lebel ng tubig sa Angat Dam noong Lunes ay pumalo sa 181.53 metro, malapit sa minimum operating level nito na 180 metro.
“So the priority will be the domestic water supply, we’re seeing po yug projection po ng PAGASA kung magkakaroon ng intensive na ulan para makatulong sa pag-angat ng ating reservation po,” dagdag ni Dizon.
Gayunpaman, nangako ang MWSS na mayroon silang patuloy na augmentation measures sa Maynilad at Manila Water upang madagdagan ang pangangailangan ng mga mamimili at tumulong sa pagtugon sa El Nino.
“Ang pangako po natin sa NWRB ay by December nasa 100 million liters yung marerecover po natin pero sa ngayon, middle of the year, nakarecover na po tayo ng 38 million liters per day,” dagdag niya.
Ngayong araw, idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño.
Sinabi rin ng PAGASA na ang kasalukuyang El Niño ay “mahina” ngunit nagpapakita ng mga palatandaan ng paglakas sa mga darating na buwan.
Ang El Niño phenomenon ay nailalarawan sa pamamagitan ng abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa gitna at silangang ekwador na Karagatang Pasipiko at mas mababa sa normal na pag-ulan.
Noong Hunyo 28, pinagbigyan ng NWRB ang kahilingan ng MWSS para sa alokasyon na 50 cubic meters per second (cms), higit pa sa normal na 48 cms allocation, mula sa Angat-Ipo-La Mesa water system para sa Hulyo.