MANILA, Philippines — Kasal na ngayon ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Ikinasal ang mag-asawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel kanina.
Kabilang sa mga principal sponsor ang “EAT” co-hosts ni Maine na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Ang iba pang principal sponsors ay kinabibilangan ng ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, House Speaker Martin Romualdez at Senate President Miguel Zubiri.
Kasama sa mga groomsmen sina Enchong Dee at Joseph Marco habang sina MJ Lastimosa, Ciara Sotto, Kristine Hermosa at Sheena Halili ay kabilang sa mga abay.
Ginanap ang wedding reception sa Baguio Country Club.
Nagpakasal ang mag-asawa noong Hulyo 2022.