MANILA, Philippines — Umabot na sa 15-meter mark ang Marikina River, na nagdulot ng unang alarma sa disaster risk reduction system ng lungsod.
Sa pinakahuling update nito, sinabi ng Marikina Public Information Office na umabot sa 15.2 meters ang lebel ng tubig kaninang 5:43 pm.
Bagama’t wala sa ilalim ng anumang tropical cyclone wind signal, ang Severe Tropical Storm “Florita” ay nagdala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila.
Samantala, sinabi ng Philippine Coast Guard nitong Martes na nagde-deploy sila ng 11 aluminum at rubber boats sa mga flood-prone areas sa iba’t ibang barangay ng Marikina City.