Melanie Marquez, Pabor sa Miss International Kaysa sa Miss Grand Philippines para kay Michelle Dee!

vivapinas04122024_1Isang usapin na kamakailan lang ay pinag-uusapan ng mga beauty pageant fans ay ang balitang may planong sumali si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa Miss Grand Philippines 2025. Kung matutuloy, magiging kinatawan si Michelle ng Pilipinas sa Thailand-based na Miss Grand International sa susunod na taon.

Tungkol sa kumakalat na balita, nagbigay ng opinyon ang ina ni Michelle, ang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez. Nang tanungin siya ng Cabinet Files ukol sa rumor, inamin ni Melanie na narinig na niya ang usapan, ngunit ayon sa kanya, sapat na ang mga nagawa ng kanyang anak sa industriya ng beauty pageants.

“In my opinion, I don’t think she needs to join another pageant. I think that’s enough for my daughter,” ani ni Melanie.

Ayon pa kay Melanie, hindi na kailangang sumali pa ni Michelle sa ibang pageant dahil napakaganda na ng kanyang naging exposure at ang kanyang hindi malilimutang performance sa Miss Universe 2023. “She worked very hard and deserves more than that. Destiny, after all, has its way. If it’s not meant for you, it’s not meant for you,” pahayag pa ni Melanie.

Inalala rin ni Melanie ang mga nakaraan pang tagumpay ni Michelle, kabilang na ang pagiging Miss World Philippines noong 2019.

Bagamat hindi pabor na sumali sa Miss Grand Philippines, nagbigay ng suporta si Melanie kung sakaling magdesisyon si Michelle na sumali sa Miss International, isang pageant na siya rin ang nanalo noong 1979.

“If you ask me, I’d prefer her to compete in Miss International. I support all my daughter’s decisions,” ayon kay Melanie.

Sinabi rin ni Melanie na hindi siya pamilyar sa Miss Grand Philippines ngunit binigyang-pugay ang Binibining Pilipinas bilang isang prestihiyosong organisasyon. Inalala rin niya ang pasasalamat kay Miss Gloria Diaz, na tumulong sa kanyang tagumpay bilang Miss International.

Nang tanungin si Melanie kung ano ang magiging propesyon niya kung hindi siya naging beauty queen, sinabi niyang nais niyang maging abogado. “If I weren’t a beauty queen, I’d be a lawyer—a very good, feared, and pro-masses lawyer,” pahayag ni Melanie. Bagamat hindi natupad ang kanyang pangarap na maging abogado, ipinasok siya ng tadhana sa isang propesyong legal sa pamamagitan ng kanyang asawa na isang abogado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *