Malaki ang tsansa ng M Pilipinas na mapanalunan ang unang titulo para sa Miss Grand International crown dahil nakuha ng Pilipinas na si Samantha Bernardo ang pinakamataas na grado sa social media contest.
Dahil dito ay nakasama si Miss Philippines sa limang imi-meet ng founder and president ng naturang beauty pageant na si Nawat Itsaragrisil at may “special meal” silang pagsasaluhan.
Labis ang pasasalamay via Instagram si Samantha sa mga sumuporta sa kanya para makasama siya sa Top 5 on Arrival contest on Facebook. “We made it, Philippines! Maraming salamat sa mga bumoto at sumuporta. Tuloy ang laban, Pilipinas!” post ni Samantha.
Ang Binibining Pilipinas 2018 runner-up na si Samantha Bernardo ay handpicked ng Binibining Pilipinas Charities Inc. to compete sa 2020 Miss Grand International bilang kapalit ni Aya Abesamis na lumagpas na sa khustong idad ng pageant dahil sa naging delay nito dahil sa COVID-19 pandemic last year.