Si Chelsea Manalo, Miss Universe Philippines 2024, ay lumabas na parang tunay na Disney princess sa kanyang pinakabagong photo shoot. Bilang bahagi ng kanyang kampanya para sa Miss Universe, nag-channel si Manalo kay Princess Tiana at inilarawan ang kanyang paglalakbay bilang isang “mahiwagang” karanasan.
Nanawagan siya sa kanyang mga kapwa Pilipino na suportahan siya sa pamamagitan ng Miss Universe fan vote upang matulungan siyang makamit ang pinakaaasam na korona. “Sa inyong suporta, maaaring magkatotoo ang mga pangarap,” pahayag ni Manalo.
Layunin ni Manalo na maging ikalimang Pilipina na makoronahan bilang Miss Universe, kasunod nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
Gaganapin ang ika-73 Miss Universe sa Nobyembre 16 sa Mexico at mapapanood ito nang live sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN, A2Z, Metro Channel, at iWantTFC sa Nobyembre 17.