NAKIPAGKITA si US Secretary of Defense Lloyd Austin kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang, umaga ng Huwebes.
Kasunod ng kanilang pulong, nangako si Austin na tutulungan nito ang Pilipinas na gawing moderno ang mga defense capabilities gayundin ang pagpapalakas ng interoperability ng mga pwersang militar ng Pilipinas at US.
Inihayag naman ni Pangulong Marcos na nakikita niya ang hinaharap ng Pilipinas at Asia-Pacific na aniya’y ‘tied up’ sa Estados Unidos dahil sa malakas at makasaysayang partnership ng Pilipinas at ng rehiyon sa US.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Austin sa paglaan nito ng panahon na bumisita sa Pilipinas at makipagpalitan ng ideya, kaisipan, komento at impormasyon sa kasalukuyang sitwasyon sa geopolitical partikular sa Asia Pacific Region.
Nabanggit pa ng Chief Executive na ang maganda at mahabang samahan ng Pilipinas at US ay nagtutulungan, hindi lamang sa usapin ng geopolitical kundi maging ang economic waters.
Samantala, nakatanggap din ng commitment si Pangulong Marcos mula US Defense chief na magbibigay ito ng humanitarian assistance sa mga biktima ng pagyanig ng lindol sa Davao de Oro.