MANILA — Sinabi ni Senator Cynthia Villar nitong Miyerkoles na ikinokonsidera niya ang legal na aksyon laban sa taong nakunan sa kanya ng panunumbat ng mga security guard sa isang baryo sa Las Piñas City.
“Pupunta ako sa korte,” sinabi ni Villar sa mga mamahayag, dagdag nito na natunton na ang taong nag-upload ng video sa internet na nilagay sa internet na walang permiso mula sa senador..
Paulit-ulit niyang itinanggi ang pagkakaroon ng “outburst” sa mga guwardiya at pinanindigan niya na “kinakausap lang niya ang mga ito para tanggalin ang barikada.”
Matagal na kami doon. We were sitting and waiting… wala namang outburst. Iniimbento lang nila yun. Walang outburst. I was just telling them to remove the gate because it’s for public use. Hindi ito para sa akin. Hindi ko kailangan iyon,” diin niya.
Inabot ng mahigit isang linggo si Villar bago binasag ang kanyang katahimikan sa insidente noong Abril 17, na naganap sa BF Resort Village (BFRV) ng lungsod.
Hindi niya ibinunyag ang higit pang mga detalye sa video sa payo ng kanyang abogado, dahil nakabinbin sa korte ang kaso na diumano’y naging sanhi ng alitan.
Kinumpirma ng DENR ang pagkakita ni Senador Nancy Binay sa mga isla sa gitna ng Manila Bay, na sinabing bahagi ito ng 21 proyekto na may aprubadong environmental compliance certificates (ECCs) sa buong bansa.
Nagalit si Villar nang marinig na ang mga reclamation project malapit sa Manila-Cavite Expressway o CAVITEX ay nakatanggap ng mga ECC mula sa ahensya, na sinasabing hindi niya alam o ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa mga naturang proyekto.
“Ang kapal-kapal naman ng mukha ’nyo. Alam ’nyo nang babaha kami nang katakot-takot, ayaw ’nyo pang tigilan ‘yan,” sinabi ni Villar at tinutukoy ang Lungsod ng las Piñas sa timog bahagi ng Metro Manila.