May “nagwala” moment daw si direk Paul Soriano sa press conference ng Hollywood actress na si Vanessa Hudgens.
Noong Marso 31, natanggap ni Vanessa ang pagkilala bilang global tourism ambassador ng Pilipinas. Kasunod ng awarding ceremony, nagsagawa ng press conference at pinangunahan ito ng King of Talk Boy Abunda, base sa artikulo sa Pilipino Star Ngayon.
Pagkatapos ng presscon, pumila ang ilang reporters para magkaroon ng one-on-one interview sa Hollywood actress. Bigla na lang daw nagalit si Direk Paul.
Ang asawa ng aktres-host na si Toni Gonzaga ay ang Presidential Adviser on Creative Communications. Gagawa siya ng dokumentaryo kasama si Vanessa Hudgens para isulong ang turismo ng Pilipinas.
Nabalitaan, ilang reporter na nandoon pa rin ang nakarinig sa umano’y pagwawala ni Paul Soriano at isa na rito ay ang batikang TV host na si Christine Jacobs na nagtatrabaho ngayon sa CNN Philippines.
“Narinig ng ibang andun pa like Christine Jacob ang mga naganap na maagang dumating sa venue pero nang turn na niyang mag-interview kay Vanessa na willing gumawa ng pelikula sa bansa ay biglang nakitang nagagalit ang director at parang gustong paalisin ang press na andun,” PSN entertainment columnist Salve Asis.
Mariin umanong sinabi ng direktor na hindi niya kailangan ng press. Nagulat ang ibang press people, Ayon sa ulat, nagulat din si Vanessa at ang kanyang Pinay na mom na si Gina at ang kanyang kapatid na babae dahil kilala nila siya bilang napaka-asikaso.
Bago pa raw dumating si Direk Paul, may mga press people na ang nakapag-interview kay Vanessa at humanga sila sa kabaitan ng aktres.
Ayon kay Asis, pagkatapos nitong hindi inaasahang pangyayari, nakapanayam si Vanessa Hudgens ni Toni Gonzaga. Habang sinusulat ito, wala pang pahayag si Direk Paul Soriano tungkol sa alegasyon na ito laban sa kanya.