Ngayong 4 PM, Disyembre 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 291 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 523 na gumaling at 106 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,924) ang aktibong kaso, pic.twitter.com/uizZDz1qlr
— Department of Health Philippines (@DOHgovph) December 18, 2021
Nakapagtala ang Pilipinas noong Sabado ng 291 na bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 2,837,555 ang nationwide tally.
Batay sa pinakahuling bulletin ng Department of Health (DOH), nasa 9,924 ang active infections, kung saan, 501 ang asymptomatic, 3,854 ang mild, 3,388 ang moderate, 1,799 ang malala, at 382 ang nasa critical condition.
Nasa 0.9% ang positivity rate ng Pilipinas sa COVID-19, na pasok sa requirement target ng World Health Organization na mas mababa sa 5% positivity rate. Ang kabuuang isinagawang pagsusuri sa COVID-19 ay nasa 35,527.
Sinabi ng DOH na tumaas ng 523 ang recoveries sa 2,776,956 habang 106 na bagong nasawi ang nagtulak sa bilang ng mga nasawi sa 50,675.
Ipinakita ng pinakahuling data na 22% ng 3,500 intensive care unit (ICU) na kama para sa mga pasyente ng COVID-19 sa buong bansa ang ginagamit.
Hindi bababa sa 12% ng 12,200 ward bed sa bansa ang nagamit, habang 19% ng 3,700 ward bed sa National Capital Region (NCR) ang ginagamit.
Batay sa ulat, sinabi ng DOH na apat na laboratoryo ang hindi operational simula noong Disyembre 16, habang tatlong laboratoryo ang nabigong magsumite ng data sa COVID-19 Document Repository System.
Iniulat ng Health Department na 13 duplicate ang tinanggal mula sa kabuuang bilang ng kaso. Sa mga ito, 10 ay gumaling, at isang namatay.
Samantala, hindi bababa sa 97 na mga kaso na dati nang na-tag bilang mga recoveries ay na-reclassify bilang mga pagkamatay pagkatapos ng final validation.