Olympic Gymnasts Finnegan at Malabuyo, Inisnab sa Homecoming Parade!

vivapinas16082024_02

vivapinas16082024_02Manila, Philippines — Nagulantang ang mga tagahanga ng mga Pilipinong Olympic gymnasts na sina Aleah Finnegan at Emma Malabuyo matapos nilang kumpirmahin na hindi sila naimbitahan sa homecoming parade na ginanap noong Agosto 13 sa Malacañang at Agosto 14 sa Maynila.

Nagtanong ang ilang social media users kung bakit wala ang dalawa sa mga pagtitipon. Sagot ni Aleah sa TikTok, “Hindi kami naabisuhan kaya hindi kami nakarating.” Dagdag pa niya, “Gusto ko sanang sumama sa selebrasyon.”

Sinabi rin ni Emma Malabuyo na hindi niya alam ang tungkol sa event. “Gusto kong pumunta, pero hindi nila sinabi sa akin,” ani Emma sa TikTok. Isang user pa nga ang nagsabi, “Hinahanap kita sa parada,” na sinagot naman ni Emma ng, “Sana naimbitahan ako.”

Habang si Emma ay nasa Pilipinas na, si Aleah naman ay papunta pa lamang sa bansa noong mga oras ng pagsulat.

Si Aleah, Emma, at Levi Jung-Ruivivar ay ang mga unang babaeng gymnast na kumatawan sa Pilipinas sa Olympics matapos ang anim na dekada. Sa kabila ng kanilang pagsisikap, tila nakaligtaan sila sa selebrasyon para sa mga bayaning atleta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *